TANGA KA RIN BA?

TANGA KA RIN BA?

Sumasang-ayon ako sa may-akda na ang medical mission ay bahagi ng isang malawakang panawagan sa ating bayan patungkol sa politika.

Hindi ba kayo nababahala?

Kung ganito karami ang kaya nilang suhulan, maaaring dumating ang araw na sila na ang maghari sa ating bayan.

Mag-isip-isip tayo mga kababayan kong Pilipino.

 

Esme

Robin Padilla, pinagre-resign si Drilon

Robin Padilla, pinagre-resign si Drilon

Marapat nga bang mariin lang na itanggi ang mga ibinabato ng mga tao sa iyo, Kagalang-Galang na Senador Drilon?

Hindi ba’t mas nararapat na ipakita mo ang iyong ebidensya kung saan ginamit ang P100 milyong piso na iyong natanggap, kung ito nga ba ay budget na inilaan para sa impastraktura, maaaring kumpleto ito sa dokumento at maaari itong ipakita sa mga taong-bayan upang sa kabila ng lahat ng pagdidiin sa inyo ng mga taong nasa inyong paligid, ikaw ay mas maunawaan namin?

 

Esme

Another Plunder Charge Against Drilon

Another Plunder Charge Against Drilon

Ang ating Inang Bayan ay nananawagan sa inyong lahat ng isang makatarungang paglilitis ukol sa mga politikong idinidiin ng kapwa nila politiko.

Hindi na natin maunawaan at hindi rin lubos maisip kung sino ba talaga ang mga sangkot at di-sangkot sa umanong korapsyon at katiwaliang nangyayari sa ating bayan.

Huwag nating sayangin ang dugo at buhay na inialay ng ating mga ninuno upang bigyan ng kasarinlan ang ating bayan, kung ito lamang ay mapupunta sa mga ganid at walang kunsensyang mga politiko.

Isipin natin ang kinabukasan ng ating mga susunod pang henerasyon.

 

Esme